Nasa ilalim pa rin ng Alert Level 3 ang Mayon Volcano. Sa nakalipas na 24 oras, nakapagtala ang Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS) ng 243 rockfall events sa Mayon Volcano.
Bukod dito, patuloy pa rin ang mabagal na pagdaloy dito ng lava.
Samantala, tinataya naman na nasa 37,953 na katao o 9,779 na pamilya sa 26 na barangays sa Bicol ang apektado ng aktibidad ng Mayon Volcano, ito ay ayon sa National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC).
18,721 na katao naman o 5,362 na pamilya ang namamalagi sa 28 evacuation centers habang 1,427 na katao o 408 na pamilya ang namamalagi sa ibang lugar.
(CS)
See Related Story Here:
295 rockfall events, 3 volcanic earthquakes naitala sa Mayon Volcano
The post Mayon Volcano nasa ilalim pa rin ng Alert Level 3 first appeared on Abante TNT.
Source: Abante TNT
0 Mga Komento