Nasungkit ng Polytechnic University of the Philippines (PUP) ang unang pwesto sa mga paaralan sa ‘Pinas na pinipili ng mga employer upang maging bahagi ng kanilang workforce.

Ayon sa listahan ng online job search platform na JobStreet by SEEK, nanguna ang PUP at tinalo pa nito ang University of the Philippines (UP) at De La Salle University (DLSU).

Ang UP ay nasa ikalawang pwesto habang ang DLSU ay nasa ikatlong pwesto.

Nakaupo naman sa ika-apat na pwesto ang University of Sto. Tomas (UST) at nasa ikalimang pwesto naman ay ang Mapua University.

Bukod sa mga nasabing paaralan pasok din sa listahan ang Batangas State University, University of Mindanao, University of Cebu, Technological Institute of the Philippines at STI College.

(CS)

See Related Story Here:

PUP budget tinatapyasan ng DBM kada taon – Tulfo

The post Mga employer bet ang mga estudyante mula sa PUP first appeared on Abante TNT.


Source: Abante TNT