Nag-donate ng P30 milyong tulong ang European Union (EU) sa mga komunidad na naapektuhan ng bagyong Egay.

Ayon sa EU, layon nilang magbigay ng tulong kabilang ang emergency shelter at shelter repair, malinis na tubig at sanitasyon sa mga pinakaapektado ng kalamidad sa Cagayan Valley, Ilocos Region at Cordillera Administrative Region.

“The EU expresses its swift and unwavering support to the Filipino people during the aftermath of typhoon Doksuri, which resulted in extensive devastation and tragic loss of lives in the Philippines,” pahayag ni EU Commissioner for Crisis Management Janez Lenarcic.

Batay sa National Disaster Risk Reduction Management Council, nasa mahigit 608,979 katao na nationwide ang iniulat na naapektuhan ng habagat at bagyong Egay. (IS)

See related stories:

Mga nasirang paaralan ni ‘Egay’, aaksyunan ni Marcos

Mga LGU ipaalam pininsala sa agrikultura ng bagyong Egay – Marcos  

3 pa naitalang patay sa Batangas dahil sa habagat at bagyong Egay

The post Mga sinalanta ni ‘Egay’ binigyan ng P30M tulong ng EU first appeared on Abante TNT.


Source: Abante TNT