Naghain ng petisyon na dagdag-pasahe ang pamunuan ng Metro Rail Transit Line 3 (MRT-3).
Ayon kay Transportation Assistant Secretary for Railways at MRT-3 officer-in-charge Jorjette Aquino, nais itaas ng MRT-3 sa P13.29 ang kasalukuyang P11 na boarding fare at karagdagang P.21 naman sa kada kilometro.
Samantala, kamakailan lang ay inanunsyo naman ang pagtataas ng pamasahe sa Light Rail Transit (LRT) Line 1 at 2 simula sa Agosto.
Ang pagtaas ng pamasahe ay para umano sa “services, amenities, and technical capacities of the LRT-1 and LRT-2”.
“We are aiming to make our rail services more accessible, convenient, and efficient for commuters,” ayon kay Aquino.
(CS)
See Related Story Here:
Bayan Muna pinadedesisyunan sa SC petisyon laban sa 2015 MRT, LRT fare hike
The post MRT-3 humirit ng fare hike first appeared on Abante TNT.
Source: Abante TNT
0 Mga Komento