Nadagdagan pa ang naitala ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) na nasawi dahil sa bagyong ‘Egay’.
Ayon sa NDRRMC, 13 na katao na ang naiulat na nasawi matapos dumaan ang bagyo sa bansa.
Bukod dito, 140,923 na pamilya o 502,782 na indibidwal ang naapektuhan ng nasabing bagyo.
8,890 na pamilya naman o 29,223 na indibidwal ang nanunuluyan sa evacuation centers.
Samantala, noong Huwebes, Hulyo 27, tuluyan nang lumabas ng Philippine Area of Responsibility (PAR) ang bagyong ‘Egay’.
(CS)
See Related Story Here:
Agarang tulong sa mga biktima ng bagyong ‘Egay’, tiniyak ni PBBM
The post Nasawi dahil sa bagyong ‘Egay’, umakyat na sa 13 na katao first appeared on Abante TNT.
Source: Abante TNT
0 Mga Komento