Kinontra ng Philippine Amusement and Gaming Corporation (Pagcor) ang alegasyon na kumalat sa social media na kinopya lamang umano ang kanilang bagong logo.

Sa pahayag ng Pagcor, sinabi ng ahensya na walang katotohanan na plagiarized ang kanilang logo.

“The allegation made against PAGCOR is entirely false and driven by malicious intent,” ayon sa government agency.

“Throughout its operations, PAGCOR has consistently upheld the highest standards of integrity, transparency, and accountability. The agency remains dedicated to fostering a safe and thriving gaming industry in the country,” lahad pa.

Pinaiimbestigahan na ng Pagcor kung saan nanggaling ang naturang bintang.

Dagdag pa ng Pagcor, ang website na ‘Tripper’ kung saan sinasabing kuha umano ang kanilang logo ay maituturing na phishing site.

“At the outset, the website is lacking showing of credibility and in fact, bears resemblance to a phishing site,” saad ng Pagcor.

Nabalot sa kontrobersya ang bagong logo ng Pagcor. Bukod sa alegasyon na plagiarized ito, ilang Pinoy rin ang kumuwestiyon dahil P3 million ang binayad para sa logo.

See Related Story Here:

Kontrobersyal na logo ng PAGCOR pinaiimbestigahan sa Kamara

The post Pagcor dumepensa, bagong logo hindi kinopya! first appeared on Abante TNT.


Source: Abante TNT