Naghain si Senadora Grace Poe ng isang resolusyon para siyasatin ang paglubog ng MB Aya Express off sa Laguna Lake sa bahagi ng Binangonan, Rizal na nagresulta ng pagkasawi ng 27 katao.

Layunin ng Senate Resolution No. 704 na matukoy kung nasunod ba ang maritime regulation at kung sino ba ang may pananagutan sa nasabing trahedya.

“Those responsible for the death of the 27 individuals and the trauma of the 43 rescued victims should be held accountable for this incident,” sabi ni Poe, chairperson ng Senate committee on public services.

“This tragedy revealed serious maritime safety compliance lapses that need to be revisited to determine whether the regulations are insufficient to provide and ensure safe voyage of individuals at sea or whether there is simply complacency in the implementation,” dagdag pa niya.

Dahil sa insidente, iginiit ni Poe na panahon na para maisabatas ang matagal na niyang isinusulong na National Transport Safety Board.

Ang Board ang malayang mag-iimbestiga sa land, air at sea accidents at tukuyin ang probable causes at mag-isyu ng safety recommendations at pag-aaral para mapigilan ang pag-ulit ng naturang trahedya.

Aalamin din sa imbestigasyon ang lahat ng kaugnay na impormasyon para malaman kung nagkaroon nga ng overloading at mapanagot ang operator, shipowner at boat captain ng nasabing bangka.

Sisiyasatin din ang alegasyon ng mga nakaligtas sa trahedya na hindi sila nabigyan ng life vest habang sakay ng bangka. (Dindo Matining)

See Related Story Here:

Pagsusuot ng life vest ng mga pasahero ng bangka nais gawing sapilitan

The post Paglubog ng bangka sa Binangonan, iimbestigahan ng Senado first appeared on Abante TNT.


Source: Abante TNT