Makakaasa ang Philippine Air Force (PAF) ng pagpapalakas at mas marami pang mga air assets sa ilalim ng Marcos Administration.

Ito ang tiniyak ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa kaniyang pagdalo sa ika-76th founding anniversary ng Philippine Air Force sa Clark Air Base sa Pampanga nitong Lunes ng umaga.

Sa kaniyang talumpati, kinilala ng Pangulo ang serbisyo at sakripisyo ng mga opisyal at tauhan ng Hukbong Panghimpapawid sa pagbabantay sa teritoryo ng bansa at pagprotekta sa seguridad ng mamamayan.

Sa pamamagitan aniya ng modernization program ng Armed Forces of the Philippines ay palalakasin ang pwersa ng PAF para sa kanilang air patrol missions.

“I reiterate that this administration is committed to strengthening the Armed Forces, including the Philippine Air Force, through the acquisitions under the AFP Modernization Program,” saad ng Pangulo.

Hindi aniya magiging madali ang mga kakaharaping pagsubok sa mga darating na araw kaya binilinan ng Pangulo ang PAF na manatiling malakas at matatag laban sa anumang mga kaganapan.

Kinilala din ni Pangulong Marcos Jr. ang katapangan at katatagan ng mga opisyal at tauhan ng PAF hindi lamang sa pagharap sa mga kalaban kundi pati na rin sa pagharap sa humanitarian crisis para tulungan at alalayan ang mga naiipit sa gitna ng krisis at kalamidad.

“Your service also goes far beyond conflict, extending into the depths of calamity and humanitarian crises, where you have selflessly extended a helping hand to those in need,” dagdag ng Pangulo.

Sa ginanap na aktibidad ay ipinamalas ng Philippine Air Force ang kanilang air assets sa pamamagitan ng air capability demonstration, bukod pa sa naunang aktibidad sa Col. Ernesto Rabina Air Base sa Capas, Tarlac. (Aileen Taliping)

See Related Story Here:

BBM wish na humaba pa buhay ni Imelda Marcos

The post Pagpapalakas sa mga kagamitan ng PAF tiniyak ni PBBM first appeared on Abante TNT.


Source: Abante TNT