Hindi sinasadyang maisnab ni Pangulong Ferdinand `Bongbong’ Marcos si dating pangulong Gloria Macapagal-Arroyo nang bisitahin ang VIP section pagkatapos ng kanyang State of the Nation Address (SONA) nitong Lunes.
Paglapit ni Pangulong Marcos, agad siyang kinausap ni Vice President Sara Duterte at sumunod namang umepal ang asawa ni Senate President Juan Miguel Zubiri. Panay din ang dikit ng Obispo sa Pangulo kaya hindi nito napansin sa tabi si Arroyo.
Makikitang tila hindi na rin nagtangka lumapit si Arroyo sa Pangulo habang kausap nito si VP Sara.
Subalit nang may sumenyas naman para sa group photo ay sumama na ang dating pangulo.
Kung babalikan ang eksena sa pagdating ni Pangulong Marcos sa Batasang Pambansa Complex ay nagbeso naman ito kay Arroyo bago ang kanyang talumpati.
Matatandaan na nagkaroon ng isyu sa pagitan ni Arroyo at mahigpit na alyado ni Pangulong Marcos na si House Speaker Ferdinand Martin Romualdez.
Nagkaroon ng mga haka-hakang may planong kudeta si Arroyo para patalsikin si Romualdez sa Speakership, ngunit mariin naman itong itinanggi ng dating pangulo. (Issa Santiago)
The post PBBM dinedma si GMA first appeared on Abante TNT.
Source: Abante TNT
0 Mga Komento