PBBM pinulong ang kaniyang health, economic managers

Pinulong ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang kaniyang health at economic cluster managers ngayong Martes sa MalacaƱang.

Ang pulong ay dinaluhan ng mga economic managers ng gobyerno kabilang na dito sina Finance Secretary Benjamin Diokno at National Economic and Development Authority (NEDA) Secretary Arsenio Balisacan.

Kasama din sa pulong sina Health Secretary Ted Herbosa at Civil Service Commissioner Chairperson Karlo Nograles.

Dumalo rin sa ipinatawag na pulong ng Pangulo ang ilan pang miyembro ng gabinete partikular sina Executive Secretary Lucas Bersamin at Chief Presidential Legal Counsel Juan Ponce Enrile.

Isyung pang-ekonomiya, kalusugan at estado ng mga manggagawa sa gobyerno ang agenda sa pulong. (Aileen Taliping)

See Related Story Here:

Bagong BSP governor, iba pang appointees nanumpa na kay PBBM

The post PBBM pinulong ang kaniyang health, economic managers first appeared on Abante TNT.


Source: Abante TNT