Binati ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang Philippine Women’s National Football team sa panalo ng mga ito sa FIFA Women’s World Cup na ginanap sa New Zealand.
“Congratulations to our Philippine Women’s National Football Team on their historic triumph against New Zealand at the FIFA Women’s World Cup today!” saad ng Pangulo.
Tinalo ng Philippine team ang koponan ng New Zealand na nagbigay ng pag-asang makapasok sa qualifying matches sakaling maipanalo ang susunod na laro laban sa Norway.
Naunang nag-tweet ang Pangulo at hinimok ang Philippine team na kayanin ang mga balakid at magsilbing inspirasyon sa mga susunod na henerasyon.
Ikinagalak ng Pangulo ang nakamit na tagumpay ng Pilipinas na kauna-unahan aniyang panalo sa World Cup.
“A momentous first-ever World Cup win for the Philippines, Mabuhay ang Pilipinas!,” dagdag ng Pangulo.
Susunod na makakalaban ng koponan ay ang mga atleta ng Norway. (Aileen Taliping)
See Related Story Here:
Pia Cayetano pinuri makasaysayang panalo ng Pilipinas kontra New Zealand sa FIFA World Cup
The post Phil. Women’s National Football Team binati ng Pangulo sa panalo sa FIFA Women’s World Cup first appeared on Abante TNT.
Source: Abante TNT
0 Mga Komento