Literal na ‘rags to riches’ ang nangyari sa isang pulubi matapos itong maging milyonaryo sa panghihingi ng limos.

Sa report ng The India Times, binahagi ni Bharat Jain na abot sa P39,000 hanggang P49,000 ang kanyang buwanang kita.

Ito’y katas ng kanyang panlilimos sa Mumbai, India, na tumatagal ng hanggang 12 oras kada araw.

Nanlilimos si Jain sa isang train station at sports ground sa Mumbai.

Sa kanyang kinita bilang pulubi, nakabili si Jain ng isang apartment na nagkakahalaga ng lampas P7M, pati ang dalawang pwesto ng tindahan na kanyang pinarerentahan ng halos P20,000 kada buwan.

May asawa rin si Jain at dalawa ang kanilang anak na parehong nag-aaral. (RP)

See Related Story Here:

Parang pulubi na: Willie Revillame biglang nalaos – Lolit Solis

The post Pulubi kumita ng P49M sa pamamalimos first appeared on Abante TNT.


Source: Abante TNT