Itinulak ni Bicol Saro party-list Rep. Brian Raymund Yamsuan ang pagtatayo ng isang departamento upang makapagpatupad ng malawakang reporma sa corrections, jail at probation management system ng bansa.

Ayon kay Yamsuan, ang panukalang Department of Corrections ay naglalayong tugunan ang problema ng siksikan, pang-aabuso at korapsyon sa mga kulungan.

Nabatid na isang panukala na ang ginagawa ng tanggapan ni Yamsuan para sa kaniyang panukala na nauna na nitong sinabi sa isinagawang briefing ng House Committee on Justice kaugnay ng estado ng New Bilibid Prisons (NBP) at iba pang kulungan sa bansa.

Sa naturang briefing, sinabi ni Dr. Raymund Narag, isang international criminology expert at dating detainee, na kalunos-lunos ang kalagayan ng mga preso sa loob ng mga kulungan.

“Dr. Narag’s comprehensive briefing is a wake-up call for us in Congress to address once and for all the perennial problems that have long plagued our penal facilities. The problems enumerated by Dr. Narag are also the same problems that we in the Department of the Interior and Local Government (DILG) have encountered in district, city and municipal jails nationwide and tried to find solutions to more than 10 years ago under then Secretary Ronnie Puno,” sabi ni Yamsuan, dating Assistant Secretary ng Department of the Interior and Local Government (DILG).

Ang NBP at iba pang kulungan na pinangangasiwaan ng Bureau of Corrections (BUCor) ay mayroong kapasidad na 12,250 subalit umaabot sa 51,500 ang mga nakakulong dito ngayon.

“Based on Dr. Narag’s extensive analyses, there appears to be no significant improvements at all in our penal facilities despite the passage of a law in 2013 that aims to strengthen and professionalize the BuCor,” dagdag pa ng solon.

Naniniwala rin si Yamsuan na mas mapoprotektahan ang karapatan ng mga preso sa kaniyang panukala na magtayo ng departamento na mangangasiwa sa lahat ng kulungan sa bansa.

Ang BuCor ay nasa ilalim ng Department of Justice samantalang ang mga district, city at municipal jails ay pinangangasiwaan ng Bureau of Jail Management and Penology (BJMP) na nasa ilalim ng DILG. Ang mga provincial jail ay nasa pinangangasiwaan naman ng provincial government. (Billy Begas)

See Related Story Here:

Rep. Yamsuan: Online fraud gawing economic sabotage

The post Rep. Yamsuan itinulak pagtatayo ng Department of Corrections para plantsahin jail management system first appeared on Abante TNT.


Source: Abante TNT