Magsisimula nang hulihin ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ang mga rider na sumisilong sa overpass sa susunod na buwan.

“We’re giving sufficient notice dahil ito po naman ay batas na kailangan naman naming ipatupad,” ayon kay MMDA acting chairman Romando Artes.

Paliwanag naman ni Artes, maaari namang huminto saglit ang mga rider sa ilalim ng overpass kapag maulan.

Ngunit ito ay para lamang magsuot ng kapote para magsilbing proteksyon sa ulan.

“Linawin ko lang, hindi natin sila pinagbabawalan na sumilong saglit, magsuot ng kapote, at umalis para hindi sila mabasa,” wika ni Artes.

“Ang pinagbabawal natin ay ‘yung pagtambay at pagsilong na nagpapatila ng ulan,” aniya pa.

Ituturing na obstructing traffic ang violation ng mga rider na lalabag sa pagsilong sa mga overpass. May multa itong P1,000. (RP)

See Related Story Here:

MMDA nasungkit muli highest COA rating

The post Rider na sisilong sa overpass, multa na simula Agosto – MMDA first appeared on Abante TNT.


Source: Abante TNT