Nais paimbestigahan ni Senadora Risa Hontiveros ang nangyari kay Awra Briguela.

Sa tweet ni Hontiveros, inihayag nito ang kaniyang hirit sa pag-aresto kay Awra.

“We urge the PNP leadership to investigate the arrest of Awra Briguela, as well as the way it was conducted on an unarmed woman. Yung nagtanggol pa sa kaibigan na hinarass, siya pa ang inaresto.”

Dagdag pa ni Hontiveros, dapat umano ay “nakatututok tayo sa totoong krimen.”

“Under the Safe Spaces Act, we urge law enforcement to investigate the alleged harassment of the women, Zayla & Mary Joy, being defended that night. Dapat nakatututok tayo sa totoong krimen.”

Humirit din ito ng “#JusticeForAwra”.

“This reflects poorly on the capabilities of the PNP. A case of the narrow-sightedness and injustice of transphobia and misogyny. #JusticeForAwra”

Samantala, kamakailan lang ay kinasuhan si Awra ng physical injuries, alarm and scandal, disobedience to authority at direct assault sa Makati City Prosecutor’s Office.

Inaresto ito dahil sa nangyaring kaguluhan sa isang bar sa Poblacion, Makati City.

(CS)

See Related Story Here:

Bianca Gonzalez nagpasalamat kay Tulfo na pinagtanggol si Awra

Awra sa susunod na linggo pa puwedeng magpiyansa

The post Risa Hontiveros nais paimbestigahan ang nangyari kay Awra Briguela first appeared on Abante TNT.


Source: Abante TNT