Sinubukan na rin ni Senadora Risa Hontiveros ang paglalaro ng lato-lato.

Sa ibinahaging nitong video sa Facebook, makikita na sinubukan ni Hontiveros na pagtamain ang dalawang bola ngunit noong una ay bigo pa ito.

At dahil hindi mapagtama ang dalawang bola napatanong pa ito kung “swerte swerte ba ‘to?”.

Hindi naman sumuko si Hontiveros at patuloy na nilaro ang lato-lato kahit na ito ay nasasaktan na.

Sa dulong parte naman ng video, napagtama na ito ni Hontiveros ngunit hindi rin nagtuloy-tuloy.

Aminado naman ito na siya ay naloka sa paglalaro ng lato-lato.

“Tried LATO-LATO for the first time! Nakakaloka pala talaga siya!”

(CS)

See Related Story Here:

Risa Hontiveros nais paimbestigahan ang nangyari kay Awra Briguela

The post Risa Hontiveros naloka sa paglalaro ng lato-lato first appeared on Abante TNT.


Source: Abante TNT