Aprub sa masa ang performance ni Senador Raffy Tulfo sa kanyang unang taon bilang mambabatas.

Ayon sa Pulso ng Pilipino survey, nanguna si Tulfo sa satisfaction rating ng publiko sa nakuha niyang 72 percent.

Pumangalawa naman sa kanya si Senadora Loren Legarda na may 67 percent, habang si Senate President Miguel Zubiri naman ang nasa ikatlong pwesto na may 63 percent.

Pasok din sa top ten sina Senador Imee Marcos (59%), Bong Go (59%), Francis Tolentino (56%), Risa Hontiveros (51%), Pia Cayetano (51%), Grace Poe (48%), Cynthia Villar (45%) at Ronald ‘Bato’ dela Rosa (45%).

Kapansin-pansin naman ang mababang satisfaction rating kay Senador Robin Padilla, na maalalang nakakuha ng pinakamataas na boto noong 2022 elections.

Sa survey na isinagawa noong June 20 hanggang 30 mula sa 1,200 respondent, 28 percent lang ang nakuhang satisfaction rating ni Padilla para sa ika-16 pwesto.

Matatandaan na ilang issue na ang binato kay Padilla buhat noong umupo ito bilang mambabatas.

Nandiyan na ang pagsita sa kanya ni dating Senador Franklin Drilon dahil sa pagsuklay nito ng balbas habang nasa sesyon. Kinuwestiyon din si Padilla sa pagbida ng kanyang mga baril sa isang social media post. (RP)

See Related Story Her

Mon Tulfo bumilib kay Bilyonaryo journalist Nancy Carvajal sa paglantad ng resibo scam

The post Robin lubog! Tulfo, Legarda, Zubiri kuha kumpiyansa ng mga Pinoy first appeared on Abante TNT.


Source: Abante TNT