Patuloy pa rin na nakakapagtala ng rockfall events at volcanic earthquakes sa Mayon Volcano. Sa nakalipas na 24 oras, nakapagtala ang Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS) ng 303 rockfall events at walong volcanic earthquakes.

Hindi pa rin naman nagbabago at nasa ilalim pa rin ng Alert Level 3 ang Mayon Volcano.

Noong Biyernes, Hulyo 7, may naitalang 79 volcanic earthquakes at 216 rockfall events sa Mayon Volcano.

Samantala, tinataya naman na nasa 37,953 na katao o 9,779 na pamilya sa 26 na barangays sa Bicol ang apektado ng aktibidad ng Mayon Volcano, ito ay ayon sa National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC).

18,721 na katao naman o 5,362 na pamilya ang namamalagi sa 28 evacuation centers habang 1,427 na katao o 408 na pamilya ang namamalagi sa ibang lugar.

(CS)

See Related Story Here:

79 volcanic earthquakes naitala sa Mayon Volcano

The post Rockfall events, volcanic earthquakes patuloy pa rin sa Mayon Volcano first appeared on Abante TNT.


Source: Abante TNT