Ipinagtanggol ni dating Election commissioner Rowena Guanzon si Awra Briguela matapos itong arestuhin ng mga pulis.
Sa pamamagitan ng isang tweet, inihayag ni Guanzon ang kaniyang hirit sa pag-aresto kay Awra. Ipinunto pa nito ang paghablot ng pulis kay Awra.
“I saw the video . Hindi sinuntok ni Awra ang pulis. The policemen were harsh and grabbed her body. It is natural instinct for a gay person to parry those touches.”
“Ang mga pulis walang gender sensitivity.” dagdag pa nito.
Samantala, kamakailan lang ay kinasuhan si Awra ng physical injuries, alarm and scandal, disobedience to authority at direct assault sa Makati City Prosecutor’s Office.
Inaresto ito dahil sa nangyaring kaguluhan sa isang bar sa Poblacion, Makati City.
(CS)
See Related Story Here:
Netizens abangers sa sey ni Awra Briguela tungkol sa CCTV footage
Risa Hontiveros nais paimbestigahan ang nangyari kay Awra Briguela
The post Rowena Guanzon imbyerna sa mga pulis, ipinagtanggol si Awra Briguela first appeared on Abante TNT.
Source: Abante TNT
0 Mga Komento