Patay ang isang aso matapos itong ibalibag ng isang security guard sa Quezon City.
Sa Facebook post ni Janine Santos, makikita ang mga larawan ng isang lalaki kung saan hawak-hawak nito ang isang aso.
Ayon kay Janine, pinapaalis umano ng guard ang mga bata ngunit nang ayaw umalis ng mga bata, ang aso ang itinapon nito mula sa footbridge.
“Pinapaalis nung guard ung mga bata, ayaw umalis nung bata. Ang ginawa tinapon nung guard ung aso mula footbridge.”
May isang lalaki pa umano na kinausap ang guard tungkol sa ginawa nito ngunit ang naging sagot ng guard ay “wala akong pake”.
“May isang lalaki po na kinausap ung guard ang sbe nung guard dun sa lalaki: “Wala akong pake.” Lahat po ng tao na nakasaksi halos maiyak dahil sa kawalang hiya nung security guard.”
Hindi naman na umano nabuhay ang aso at tuluyan na itong namatay.
“Update: Patay na po si baby dog.”
Sa kasalukuyan, ang post ni Janine ay mayroon ng lagpas sa 80,000 shares at 21,000 comments.
(CS)
The post Security guard binalibag ang isang aso mula sa footbridge, dedo first appeared on Abante TNT.
Source: Abante TNT
0 Mga Komento