Tuloy pa rin ang planong tatlong araw na tigil-pasada ng grupong Malayang Alyansa ng Bus Employees at Laborers (MANIBELA).
Inaasahan naman na nasa 200,000 na jeepney drivers ang makikibahagi sa tigil-pasada, kabilang na rito ang 40,000 hanggang 45,000 na drivers mula sa Metro Manila.
Layunin umano ng kanilang tigil-pasada na ipakita ang kanilang pagtutol sa PUV Modernization Program.
Samantala, sinuspinde naman ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang pasok sa mga pampublikong paaralan sa lahat ng antas at sa mga tanggapan ng gobyerno sa Metro Manila ngayong Lunes dahil sa bagyong ‘Egay’ at mangyayari na tigil-pasada.
“In view of the forecasted inclement weather brought about by Typhoon “Egay” and the scheduled seventy-two (72)-hour transport strike in Metro Manila, work in government offices and classes in public schools at all levels in the National Capital Region are hereby suspended on 24 July 2023,” saad sa memorandum circular na pirmado ni Executive Secretary Lucas Bersamin.
(CS)
See Related Story Here:
MANIBELA inanunsyo ang tatlong araw na tigil-pasada
The post Tigil-pasada sa SONA, tuloy pa rin – MANIBELA first appeared on Abante TNT.
Source: Abante TNT
0 Mga Komento