Ang pagtutulungan ng Pilipinas at Malaysia sa pagpapalakas ng Halal industry ay lilikha ng bagong mapapasukang trabaho at oportunidad sa pagnenegosyo, ayon kay Speaker Ferdinand Martin Romualdez.

“The agreement between the Philippines and Malaysia to cooperate in this vital sector undoubtedly signifies a significant step towards the creation of more jobs, as well as livelihood and business prospects of our people,” sabi ni Romualdez.

Ayon kay Romualdez, ang market size ng Halal industry ay umabot na sa 2,221.3 billion US dollars noong 2022 at inaasahang lolobo ito sa 4,177.3 billion US dollars sa 2028.

“The Halal industry holds immense potential. By working together, we can capitalize on the Halal market’s vast opportunities, creating new avenues for trade, investment, and employment,” dagdag pa ni Romualdez.

Ang Malaysia, isa sa bansang nangunguna sa Halal industry, ay magbibigay umano ng kasanayan sa mga Pilipino, partikular sa mga nasa Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM) upang mapaunlad ang lokal na industriya ng Halal products.

“With President Marcos’ priority on digitalization of government process and improved Internet connectivity, we can tap e-commerce channels and social media to market our goods globally and profit from the growing demand worldwide for Halal products,” dagdag pa ni Romualdez.

Sinabi ni Romualdez na itutulak ng Kamara de Representantes ang papasa ng House Bill 7118 na mag-aamyenda sa National Commission on Muslim Filipinos Act of 2009 (Republic Act 9997) upang mapalakas ang Halal industry sa bansa. (Billy Begas)

The post Trabaho, bagong oportunidad hatid ng pagpapalakas ng Halal industry – Romualdez first appeared on Abante TNT.


Source: Abante TNT