Sumentro sa traffic rerouting at VIP zipper lane scheme ang huling inter-agency coordination meeting para sa ikalawang State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa Hulyo 24.

Sinabi ni House Sergeant-at-Arms (SAA), retired PMGen. Napoleon Taas na ang zipper lane ay magagamit ng mga bisita sa SONA upang mas mabilis na makarating sa Batasan Complex.

Ayon sa Metropolitan Manila Development Authority (MMDA), magpapakalat ito ng 1,300 tauhan sa araw ng SONA upang magmando ng daloy ng trapiko.

Nanawagan naman si MMDA Special Events Operations Head Emmanuel Miro sa mga motorista na maghanap ng alternatibong ruta. (Billy Begas)

See Related Story Here:

Filipiniana, tema ng SONA ni PBBM – House exec

The post Traffic rerouting, VIP zipper lane ipatutupad sa SONA first appeared on Abante TNT.


Source: Abante TNT