Pumasok na sa Philippine Area of Responsibility (PAR) ang Tropical Storm Khanun kaninang 11 pm, ayon sa Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) at tatawagin na itong bagyong ‘Falcon’.
Matatandaang kamakailan lang ay dumaan naman sa bansa ang bagyong ‘Egay’ at nadagdagan pa ang naitala ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) na nasawi dahil sa nasabing bagyo.
Ayon sa NDRRMC, 13 na katao na ang naiulat na nasawi matapos dumaan ang bagyo sa bansa.
Samantala, noong Huwebes, Hulyo 27, naman lumabas ng PAR ang bagyong ‘Egay’.
(CS)
See Related Story Here:
Tulong sa nasalanta ng bagyo inihatid ni Romualdez sa Baguio, Benguet
The post Tropical Storm ‘Khanun’ pumasok na sa PAR first appeared on Abante TNT.
Source: Abante TNT
0 Mga Komento