Dumalo si Vice President Sara Duterte sa pagdiriwang ng ika-100 kaarawan ng pinakamatandang war veteran sa Davao City noong Lunes.
Ayon kay Duterte, si Teofilo Gamutan ang pinakamatanda sa apat na nalalabing beterano ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig na naninirahan sa Davao City.
“I am here to honor a patriot,” sabi ni Duterte sa isang Facebook post. “Malaking karangalan sa akin na maimbitahan sa selebrasyon na kasama ang kaniyang pamilya at mga mahal sa buhay.”
Sinabi ni Duterte na si Gamutan ang commanding officer ng Headquarters Company ng 84th Infantry Battalion ng Philippine Army Reserve sa Bohol noong World War II.
“Huwag sana nating kalimutan ang mga taong katulad ni Sir Teofilo na larawan ng katatagan, katapangan, at tunay na pagmamahal sa ating bayan,” dagdag pa ni Duterte.
Dumalo rin si Duterte sa pagdiriwang ng kaarawan ni Gamutan noong nakaraang taon. (Billy Begas)
See Related Story Here:
Sara Duterte, Raffy Tulfo bakbakan sa SWS presidential survey
The post VP Sara dumalo sa 100th birthday celeb ng pinakamatandang war veteran sa Davao City first appeared on Abante TNT.
Source: Abante TNT
0 Mga Komento