Tinatayang nasa 108 na lugar sa anim na rehiyon sa Luzon ang nasa ilalim ng state of calamity dahil sa nagdaang bagyong ‘Egay’ at habagat, ito ay ayon sa National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC).
Ayon sa NDRRMC, apektado ang nasa 2,452,738 na katao o 668,974 na pamilya sa 4,164 na barangays.
Dagdag pa rito, 50,467 na katao o 13,718 na pamilya ang nasa 736 evacuation centers habang 262,008 na katao o 63,086 na pamilya ang nanunuluyan sa ibang lugar.
25 na katao naman ang naiulat na nasawi.
(CS)
See Related Story Here:
Cagayan isinailalim sa state of calamity
The post 108 na lugar sa Luzon nasa ilalim ng state of calamity first appeared on Abante TNT.
Source: Abante TNT
0 Mga Komento