Pitong katao ang sugatan matapos ang nangyaring sunog sa Brgy. Culiat, Quezon City. Kabilang sa nasabing bilang ng sugatan ang tatlong bumbero.

Tinataya naman na nasa 200 pamilya ang nawalan ng tahanan dahil sa sunog.

Nagsimula umano ang sunog Linggo ng gabi, 9 pm. Nahirapan ang mga bumbero na patayin ang malaking sunog at umabot pa ito sa ikalimang alarma.

Nakontrol naman ang sunog ng madaling araw, 12:22 am at tuluyan itong napatay bago ang 3 am.

Inaalam pa naman ng Bureau of Fire Protection (BFP) ang dahilan ng sunog.

(CS)

See Related Story Here:

Tindahan ng lechon manok sa Muntinlupa, nilamon ng sunog

The post 7 sugatan sa sunog sa Quezon City first appeared on Abante TNT.


Source: Abante TNT