Maraming netizen ang nalungkot sa pagpanaw ni Cheems Balltze, ang aso na nag-viral dahil sa doge meme.

Inanunsyo ng amo ni Cheems ang pagpanaw ng kanyang alagang aso nitong Biyernes.

Ayon sa Instagram post na ibinahagi sa account ng aso, ipapa-chemotherapy sana nila si Cheems ngunit huli na ang lahat.

Nanawagan naman ang amo ng cute na aso na sana’y hindi malungkot ang kanyang mga follower.

“Don’t be sad, please remember the joy that Balltze brought to the world,” wika ng amo ni Cheems.

“A Shiba Inu with a round smiling face connecting you and me, he has helped many people during the pandemic and brought a lot of joy to many of you, but now his mission has completed,” lahad pa.

Ang nakolekta naman nilang donasyon na gagamitin sana sa medical bills ni Cheems ay ibibigay sa mga local animal charity. (RP)

The post Aso sa viral ‘Doge meme’ pumanaw na first appeared on Abante TNT.


Source: Abante TNT