Hinagisan ng granada ang bahay ni retired COMELEC chairman Sherif Abas sa Cotabato City.
Wala namang nasawi o nasaktan sa nasabing pagsabog ngunit tinamaan ng shrapnel ang nakaparada na SUV sa bahay.
Ayon kay RH 3 Barangay Administrator Sukarno Utto sa panayam ng Bandera News TV Cotabato, ang naghagis umano ng granada ay isang lalaki na nakasuot ng bonet at nakasakay sa isang motorsiklo.
Wala naman umano sa loob ng bahay si Abas nang mangyari ang pagsabog.
(CS)
See Related Story Here:
Comelec chair Sheriff Abas lusot na sa CA
The post Bahay ni Sherif Abas, hinagisan ng granada first appeared on Abante TNT.
Source: Abante TNT
0 Mga Komento