Napansin ni Atty. Barry Gutierrez ang pagiging tahimik ni dating Pangulong Rodrigo Duterte sa isyu ng pag-aalis ng BRP Sierra Madre sa Ayungin Shoal.

“On this issue, silence speaks volumes. Mukhang may laman ang pananahimik ni dating Pangulong Duterte.”

Dagdag pa nito, nakakapanibago umano ang pagiging tahimik ni Duterte sa nasabing isyu.

“Tila nakakapanibago na dati, napaka-vocal ni dating Pangulong Duterte pagdating sa usapin ng China pero ngayon na nabunyag na may nangako umano dito para sa pagtanggal ng BRP Sierra Madre sa Ayungin shoal, wala tayong marinig.”

Matatandaang sinabi ng China na nangako raw ang Philippine government na aalisin ang barko sa Ayungin Shoal.

Ayon naman kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr., hindi niya alam ang sinasabing agreement ng China at Pilipinas patungkol sa BRP Sierra Madre.

(CS)

See Related Story Here:

3 kagawad ng Brgy. E.Rodriguez, buking sa pag-photocopy ng SAP form

The post Barry Gutierrez kay Duterte: ‘Mukhang may laman ang pananahimik’ first appeared on Abante TNT.


Source: Abante TNT