Boboto si Senador Francis ‘Chiz’ Escudero kontra sa panukalang mandatory Reserve Officers’ Training Corps (ROTC) sa paniniwalang hindi naman ito makakapagtanim ng pagiging makabayan sa mga estudyante.
“I will most likely vote against it. I took a position against it,” pahayag ni Escudero sa panayam sa ANC.
“I am against this simply because I don’t see the wisdom behind it that ROTC will inculcate patriotism and love for country. I went through CMT, Citizens’ Military Training, and I don’t think I got love for country from that,” paliwanag niya.
Sabi pa ni Escudero, dapat ipakita rin ng mga nagsusulong ng nasabing panukala ang hindi naging matagumpay ang kasalukuyang National Service Training Program (NSTP).
“If NSTP is not a success and ROTC is part of NSTP then I guess ROTC should be deemed as a failure as well and I should be looking at something totally new,” saad ni Escudero.
Kung tutol si Escudero, pabor naman si Senate President Juan Miguel sa panukalang ibalik sa Reserve Officers’ Training Corps program.
Sa panayam sa ANC noong Lunes, sinabi ni Zubiri na siya mismo ay pumasok sa ROTC program at maraming natutunan sa kabila ng bansag sa kanyang, “tisoy na anak mayaman.”
“Dumaan din ako sa putik, dumaan din ako sa martsa and it grounded me and I think I learned a lot from that experience and it made me a better person,” saad ni Zubiri.
“So if you’re gonna ask me…my personal vote is ‘yes.’ I will vote in favor of ROTC,” dagdag pa niya. (Dindo Matining)
See Related Story Here:
Beki, tibo hindi exempted sa ROTC – Bato
The post Chiz kontra sa mandatory ROTC bill, Zubiri pabor first appeared on Abante TNT.
Source: Abante TNT
0 Mga Komento