Suspendido muna ngayong araw, Agosto 31, ang filing ng certificate of candidacy (COC) para sa 2023 Barangay and Sangguniang Kabataan Elections (BSKE) sa Metro Manila, Abra at Ilocos Norte dahil sa masamang panahon.

Ang nasabing filing ng COC para sa 2023 BSKE ay nagsimula noong Agosto 28. Gaganapin naman ang 2023 BSKE sa Oktubre 30.

Samantala, ilang lugar na rin ang nag-anunsyo ng kanselasyon ng pasok ngayong araw dahil sa masamang panahon.

(CS)

See Related Story Here:

COC filing para sa barangay at SK elections supendido na

The post COC filing sa Metro Manila, Abra, Ilocos Norte suspendido ngayong araw first appeared on Abante TNT.


Source: Abante TNT