Imbes na tungkol sa madugong World War II ang lumabas sa isang inakalang lost footage, nasorpresa ang isang history professor sa laman ng isang film na may pangalang ‘The Philippines 1942’.

Ayon kay Gregory Schnakenberg, isang assistant professor ng history sa USA, nakakita siya ng lumang metal box na may 8mm film na may date na 1942.

Kaya naman inakala niyang tungkol sa World War II ang laman nito dahil sa petsa at sa lugar na Pilipinas na nakasulat sa film.

Matatandaan na ang Pilipinas ay nasa ilalim ng pananakop ng Japan noong World War II.

Agad na pinadala ng propesor sa isang specialist para makita ang laman ng film.

Nagulat na lang siya na cute na puppy ang mapapanood dito kung saan makikita silang naglalaro.

Mistulang kuha sa Pilipinas ang film dahil makikita ang walis tambo na popular sa bansa. (RP)

The post Cute na tuta, bumulaga sa napagkamalang World War II video first appeared on Abante TNT.


Source: Abante TNT