Malamig ang economic managers sa panukala na magpataw ng luxury at wealth tax.

Sa isinagawang deliberasyon ng panukalang P5.768 trilyong budget para sa 2024, nagtanong si Nueva Ecija Rep. Ria Vergara kay Finance Secretary Benjamin Diokno kung bukod sa mga hininging panukala sa Kongreso kaugnay ng pagbubuwis ay mayroon pang ibang ikinokonsidera ang mga economic manager.

“Do you have anything on your table that proposes like a proportional tax, a luxury tax, a wealth tax that might be more progressive, is that something that you would consider?” tanong ni Vergara.

Sinabi ni Diokno na wala. “Right now there is nothing in our proposal for such a tax.”

Ipinaliwanag ni Diokno na kung tataasan ang buwis sa mga produkto na binibili ng mga mayayaman ang gagawin lamang ng mga ito ay sa ibang bansa na bibili sa halip na sa Pilipinas upang maiwasan ang mas mataas na buwis.

“For example if you want to tax diamond you are practically not going to collect anything because that’s easy to hide and sometimes when you try to tax say a luxury good, people will just go abroad and buy there, not right here. So you have to consider all these things. The simplicity of the tax, how easy it is to avoid and things like that,” paliwanag ni Diokno.

Sinabi rin ng kalihim na mahalaga na ang gagawing panukala sa pagbubuwis ay simple, mataas ang kikitain ng gobyerno at maliit ang gastos sa pagpapatupad nito. (Billy Begas)

See Related Story Here:

Motorcycle taxi TWG kinuwestyon sa Kamara

The post Economic managers malamig sa luxury, wealth tax first appeared on Abante TNT.


Source: Abante TNT