Binabantayan ng Malacañang ang farmgate price ng palay pati na rin ang presyo mismo ng bigas sa harap ng ulat na nagsisimula na ang anihan ng palay sa Nueva Ecija at North Cotabato.
Sinabi ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na mahigpit na nakabantay ang gobyerno sa supply ng bigas at presyo nito sa bansa kasabay ang pagtiyak sa publiko na mayroong matatag na supply ng bigas.
“Ang binabantayan siyempre natin yung farmgate price dahil yun ang nagpapataas sa presyo ngayon pati yung pag-import ng mga ibang inputs at saka ng bigas mismo,” saad ng Pangulo.
Kumpiyansa ang Presidente na magiging matatag ang presyo ng bigas sa sandaling dumami na ang supply at sapat ang reserba ng gobyerno.
Batay sa report na nakarating sa Pangulo, iba-iba ang presyo ng bigas sa pamilihan depende sa klase nito.
Ayon kay Department of Agriculture Undersecretary Leo Sebastian, nagsimula na ang anihan ng palay sa Isabela, Nueva Ecija at North Cotabato na tinatayang magbibigay ng 900,000 metric tons ng palay.
Inisyal na pag-aani pa lamang aniya ito dahil ang talagang panahon ng anihan ay sa Setyembre pa kaya ang maagang ani ang magpupuno sa kailangang supply ng bigas at magpapatatag sa presyo ng bigas. (Aileen Taliping)
See Related Story Here:
Gobyerno walang contingency plan para sa sapat na suplay ng bigas – senador
The post Farmgate price ng palay binabantayan ng Malacañang first appeared on Abante TNT.
Source: Abante TNT
0 Mga Komento