Aabot sa P1.695 trilyon ang gugugulin ng gobyerno para sa pasuweldo at iba pang benepisyo ng mga opisyal at empleyado nito sa susunod na taon.

Ayon sa 2024 national expenditure program na isinumite ng Department of Budget and Management (DBM), sa Kamara de Representantes ang halaga ay 29.4% ng panukalang P5.768 trilyong budget para sa 2024.

Mas mataas ito ng P217.8 bilyon o 14.7% kumpara sa P1.477 trilyong nakalaan sa personnel services expenditure ngayong taon.

Kasama sa personnel services expenditure ang pasahod, benepisyo, pensyon, allowance at iba pang natatanggap ng mga opisyal at empleyado ng gobyerno.

Nakapaloob din sa nakalaang budget ang sahod ng mga healthcare workers sa ilalim ng National Health Workforce Support System (NHWSS) at ang pensyon ng mga retiradong Military and Uniformed Personnel. (Billy Begas)

See Related Story Here:

Gobyerno kailangang umutang ng P4B araw-araw sa 2024 para mapunan mga bayarin

The post Gobyerno gagastos ng P1.7T para sa pasuweldo, benepisyo ng mga empleyado sa 2024 first appeared on Abante TNT.


Source: Abante TNT