Dapat na patawan ng dagdag na penalty ang sinumang elected o appointed public official na tatanggi na sumunod sa isang executory legal suspension o removal order, ayon kay Senador Francis ‘Chiz’ Escudero.
Sabi ng senador, ang dagdag parusa sa kanila ay temporary or permanenteng diskwalipikasyon na tumakbo at humawak ng anumang posisyon o tanggapan ng gobyerno
Ginawa ni Escudero ang pahayag kaugnay ng inimbestigahan ng Senate committee on public order na isyu hinggil sa pagtanggi ni Bonifacio, Misamis Occidental Mayor Samson Dumanjug na tumalima sa suspension order laban sa kanya.
Si Mayor Dumanjug at misis nito na si Vice Mayor Evelyn Dumanjug ay sinuspinde ng Sangguniang Panlalawigan dahil sa isyu ng korapsyon.
Ayon Kay Escudero, nagtataka siya kung bakit tila hindi natanong sa umpisa ng hearing si suspended mayor Dumanjug kung bakit tumanggi itong sumunod sa legal order at tumangging bakantehin ang kanyang tanggapan
“I don’t think anyone asked the suspended mayor, in the beginning of the hearing, why he refused to follow a legal order and vacate his office. If he did, at the outset, there would have been no untoward incident to begin with,” ani Escudero.
“Temporary or permanent disqualification to run and hold public office must be added as a penalty against those who refuse to obey an executory legal suspension/removal order vs. any public official or employee, elected or appointed,” dagdag pa niya.
Dagdag pa ni Escudero, ang paggigiit ni Mayor Dumanjug na hindi niya binasa ang kanyang Miranda rights ay admission na nakagawa o suspek siya sa isang krimen o’ paglabag sa batas.
Aniya, hindi dapat nagpabaya gng local na pulis sa tungkulin nito na ipatupad ang batas at ang legal na suspension order ng dahil lang sa ito’y politically charged.
Paliwanag pa ni Escucero, kung ang hepe anya ng pulis sa bayan ng Bonifacio sa Misamis Occidental ay agarang umaksyon sa halip na kinatigan ang suspendidong alkalde na iwasan sana na nagkagulo at lumala ang sitwasyon.
Hindi na sana anya kinailangan na hingin pa ang pag-apruba ni PNP chief Benjamin Acorda JR sa pagpapatupad ng suspension order lalo pa’t kinilala mismo ng DILG ang suspensyon Kay Mayor Dumanjug.
Sinabi naman ni Senate committee on public order and dangerous drugs chairman Senator Ronald Bato Dela Rosa na para naiwasan ang tensyon at karahasan dapat ay sumunod na sa suspension order sa halip na na nagmatigas manatili sa puwesto.
“in order to avoid tension and consequently violence but we can not blame a duly elected official to insist on his rights, duties and responsibilities if he believes he has the legal basis to do so,” ani Dela Rosa.
“That is why we need the active role of the DILG in resolving matters like these since it is the appropriate apolitical body,” saad pa niya. (Dindo Matining)
The post Gov’t official na nagmamatigas sa removal order, dagdagan ng parusa – Escudero first appeared on Abante TNT.
Source: Abante TNT
0 Mga Komento