Ang southwest monsoon o habagat ay magdadala ng maulap na kalangitan at pag-ulan sa western Luzon ngayong Sabado, Agosto 5, ito ay ayon sa Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA).

Makakaranas ng maulap na kalangitan, pag-ulan, pagkulog at pagkidlat ang Ilocos Region, Batanes, Babuyan Islands, Abra, Benguet, Zambales at Bataan dahil sa habagat. Maaari namang magkaroon ng pagbaha o pagguho ng lupa sa mga lugar na ito.

Ang iba pang bahagi naman ng Luzon ay makakaranas ng katamtaman hanggang sa malakas na bilis ng hangin.

(CS)

See Related Story Here:

Nasawi dahil sa bagyong ‘Egay’, habagat umakyat pa

The post Habagat magpapaulan sa western Luzon first appeared on Abante TNT.


Source: Abante TNT