Tinuligsa ni House Deputy Speaker at Batangas Rep. Ralph Recto ang plano ng Land Transportation Office (LTO) na parusahan ang mga may-ari ng sasakyan kung hindi nila makukuha agad ang plaka ng kanilang sasakyan.
“Mag hunos-dili sana ang LTO,” sabi ni Recto. “Kay tagal hinintay ng mga motorista ang matagal ng bayad at pinakaaasam na mga plaka.”
“Kaya konsiderasyon ang dapat isukli at hindi ang pananakot na kung hindi agad makuha, may parusa na dagdag singil na naghihintay,” dagdag pa ng mambabatas. “Kung hindi nainip ang mga motorista sa mahabang lamay, bakit mag-de-demand ng ora-oradang pagtubos ang LTO na tila ba wala silang kasalanan sa pagkakaburo ng mga plaka?”
Ipinunto ni Recto na maraming sasakyan ang naibenta na ng may-ari ng hindi pa nakukuha ang kanilang plaka dahil inihain ang aplikasyon nito may isang dekada na ang nakakaraan.
“Kung tutuusin nga, LTO ang dapat magbigay ng interes bilang danyos perwisyo sa pagkabimbin ng isang mahalagang katibayan ng pag-a-ari ng isang behikulo,” sabi pa ng solon.
Sinabi ni Recto na mukhang ang hakbang ng LTO ay nakadisenyo para palabasin na mayroong sapat na suplay ng plaka ng sasakyan kahit na mayroon pa rin namang backlog ang ahensya.
“Blame cannot be transferred to motorists,” sabi pa ng mambabatas. “Car owners, in fact, have displayed patience in waiting for years for plates already paid for, without demanding for refund or interest.” (Billy Begas)
See Related Story Here:
SONA dapat totoo, naglalaman ng planong gawin ng gobyerno – Recto
The post Hindi na naibigay agad parurusahan pa: Recto kinondena plano ng LTO na parusahan may-ari ng hindi nakuhang plaka first appeared on Abante TNT.
Source: Abante TNT
0 Mga Komento