Nawalan na umano ng kuryente ang ilang lugar sa Cagayan dahil sa malakas na hangin at pag-ulan na sanhi ng Bagyong Goring.
Ayon kay Cagayan Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office (PDRRMO) head Ruelie Rapsing, nagbagsakan umano ang mga poste sa District 1 and 2 kaya nawalan ng kuryente.
“Almost the entire District 1 and 2 ay wala nang kuryente dahil sa nagbagsakang mga poste. Kagabi may nagbagsakang puno na sa may Sta. Teresita,” pahayag ni Rapsing.
Samantala, patuloy umano ang kanilang pagbabantay sa estado ng bagyo.
“Buong magdamag tayo nagbabantay. Nakakaranas na ang ating lalawigan ng medyo malalakas na hangin at malalakas na pag-ulan bagaman pabugso-bugso ito. Buong magdamag ganito ang nararanasan ng lalawigan,” saad pa nito.
(STN)
Related News:
Super typhoon Goring patuloy na lumalakas — PAGASA
The post Ilang lugar sa Cagayan nawalan ng kuryente dahil kay ‘Goring’ first appeared on Abante TNT.
Source: Abante TNT
0 Mga Komento