Pinabubusisi ni Senador Christopher Lawrence ‘Bong’ Go ang implementasyon ng Expanded Solo Parent Welfare Act.
Sa Senate Resolution 730, nais ni Go na tipunin ang Joint Congressional Oversight Committee on Solo Parents para malaman ang update sa pagpapatupad ng batas na ito.
Inihain ng senador ang resolusyon kasunod ng mga impormasyon na maraming Solo Parents ang hindi naman nakatatanggap ng benepisyo at pribilehiyong nakasaad sa Expanded Solo Parent Welfare Act.
Ilan dito ang monthly subsidy para sa mga solo parent na minimum wage earners at 10 percent discount at VAT exemption sa essential childcare products para sa mga kumikita ng P250,000 kada taon.
“Kung hindi po ito maiimplement magiging useless po ang batas,” pahayag ni Go.
Layunin din ng resolusyon na mapakinggan ang mga lokal na pamahalaan na nahihirapan silang makakuha ng sapat na pondo sa pagpapatupad ng batas. (Dindo Matining)
See Related Story Here:
Bong Go sa DPWH: Accomplishment report sa mga flood control project nasaan na?
The post Implementasyon ng Solo Parent Welfare Act pinasisiyasat ni Go first appeared on Abante TNT.
Source: Abante TNT
0 Mga Komento