Bumagal ang inflation nitong buwan ng Hulyo na naitala sa 4.7%, mas mababa kumpara sa 5.4% noong Hunyo.
Ito ang ika-anim na straight na buwan na napanatili ang downtrend ng pagbagal ng inflation na ang ibig sabihin ay bahagyang bumaba ang presyo ng mga bilihin.
Ayon sa Philippine Statistics Authority (PSA), ang naitalang inflation nitong Hulyo ay nasa forecast range na 4.1%-4.9% ng Bangko Sentral ng Pilipinas.
Ayon kay PSA Chief Dennis Mapa, ang mabagal na paggalaw ng presyo ay nakita sa housing, tubig, gas at iba pang fuel products.
Bumagal din aniya ang pagtaas ng presyo ng mga pagkain nitong Hulyo ng 6.3% mula sa 6.7% noong Hunyo.
“The main reason for the slowdown in inflation in July 2023 versus June 2023 ws the slower movement in the prices of housing, water, gas and other fuels,” saad ni Mapa. (Aileen Taliping)
See Related Story Here:
Target inflation rate ng gobyerno maaabot lang kung bababa presyo ng pagkain
The post Inflation nitong Hulyo bumagal ng 4.7% first appeared on Abante TNT.
Source: Abante TNT
0 Mga Komento