Nawawala ang isang Cessna plane na may sakay na dalawang tao habang ito ay papunta sa Tuguegarao sa Cagayan mula sa Laoag sa Ilocos Norte nitong Martes, ayon sa Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP).

Sa isang advisory, sinabi ng CAAP na nakatanggap sila ng “INCERFA” message, kung saan tumutukoy sa kawalan ng katiyakan sa kaligtasan ng isang sasakyang panghimpapawid at mga pasahero nito, mula sa Tuguegarao flight service station (FSS).

Ayon sa CAAP, ipagpapatuloy naman ang search and rescue ngayong Miyerkoles.

(CS)

See Related Story Here:

Walang pasaherong nakaligtas sa Cessna plane – PDRRMO

The post Isang Cessna plane na papuntang Cagayan, nawawala first appeared on Abante TNT.


Source: Abante TNT