Nasunog ang isang speedboat sa karagatan ng Zamboanga City noong Huwebes. Ang nasabing speedboat ay may sakay na tatlong katao.

Ayon sa Philippine Coast Guard (PCG), umalis ang speedboat mula sa Tres Marias, Baliwasan Seaside, Zamboanga City upang magsagawa ng sea trial nang mapansin ng crew ang sunog sa pagitan ng fuel tank at baterya.

“The responding team declared fire out at around 3:30PM, while the speedboat eventually sank 300 meters south of Barangay Mariki, Zamboanga City.”

Binigyan naman ng Coast Guard Medical Clinic Southwestern Mindanao ang tatlong nasagip ng tulong-medikal matapos magtamo ng first degree burns.


(CS)

See Related Story Here:

Tindahan ng car parts sa Quezon City, nasunog

The post Isang speedboat nasunog sa karagatan ng Zamboanga City first appeared on Abante TNT.


Source: Abante TNT