Kulang pa ang pag-usad ng ekonomiya sa ikalawang quarter ng taon.

Ito ang inihayag sa Laging Handa public briefing ni Go Negosyo founder Joey Concepcion sa naitalang 4.3% na paglago ng ekonomiya ngayong second quarter ng 2023.

Ayon kay Concepcion, hindi 4.3 percent ang inasahan nila bagkus ay dapat nasa 6 percent na ito o mas mataas pa dahil patuloy namang umuusad ang paglago ng bansa mula sa resulta ng mga biyahe sa ibang bansa ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr.

Kailangan aniya na mas paigtingin pa ang pagsusulong ng pamumuhunan sa bansa at micro small and medium enterprise (MSME) dahil malaking bagay ito sa paglikha ng mas maraming trabaho sa bansa.

“Iyong 4.3% is not we are looking at no’ we should be in the 6% plus and higher hopefully at importante dito iyong economy has to grow,” ani Concepcion.

Kapag aniya gumanda ang takbo ng ekonomiya ay gaganda ang sitwasyon ng bansa at lalago ang kabuhayan ng mga Pilipino.

Sinabi ni Concepcion na hiniling nila kay Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. na isama ang private sector sa mga programa sa agrikultura bilang partner upang matulungan ang mga magsasaka sa kanilang pagtatanim sa pamamagitan ng kooperatiba upang umangat ang kabuhayan ng mga ito.(Aileen Taliping)

See Related Story Here:

Inflation humuhupa na – Joey Concepcion

The post Joey Concepcion: Paglago ng ekonomiya konting push pa! first appeared on Abante TNT.


Source: Abante TNT