Isang video na naman ang lumutang kung saan makikita ang isang lalaki na binunutan ng baril ang isang rider habang ito ay nakahiga sa kalsada.
Noong una ay pilit hindi pinapaalis ng lalaki ang rider na nakahiga sa kalsada ngunit matapos lang ang ilang segundo ay makikitang naglabas na ito ng baril.
Hindi naman makatayo ang rider dahil sa pwersa ng nakatayong lalaki sa kaniya.
Another “trigger happy” moment in the Philippines. Six years of Duterte made these violent thugs come out in the woodwork. However, we don’t need to seek them out, they show themselves. Just make sure you have your phones ready.
— Anak ka ng Martial Law (@anakmartiallaw) August 29, 2023
Matatandaang kamakailan lang ay may nag-viral na rin na video kung saan makikita ang isang dating pulis na kinasahan ng baril ang isang siklista.
Ang dating pulis ay kinilalang si Wilfredo Gonzales.
Kamakailan lang ay sinabi ni Philippine National Police (PNP) chief Benjamin Acorda Jr. na naghain na ng kasong alarm and scandal ang Quezon City Police District Station 11 laban kay Gonzales.
(CS)
See Related Story Here:
Ex-cop na nanutok ng baril, kinasuhan na ng QCPD
The post Kelot binunutan ng baril ang isang rider habang nasa kalsada first appeared on Abante TNT.
Source: Abante TNT
0 Mga Komento