Isa nang tropical depression ang low pressure area (LPA) na namataan sa Cagayan at may pangalan itong ‘Goring’.

Ayon sa Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA), huling namataan ang tropical depression sa 400 kilometers (km) east-northeast ng Aparri, Cagayan.

“Over the next five days, the tropical cyclone will follow a generally looping track and may likely return to a more northward movement by late Monday or Tuesday (Aug. 29),” ayon sa PAGASA.

Samantala, makakaranas naman ang Metro Manila at nalalabing bahagi ng Luzon ng kalat-kalat na mga pag-ulan o pagkidlat at pagkulog, ito ay dahil sa habagat.

(CS)

See Related Story Here:

Bagong LPA papasok sa ‘Pinas, posibleng maging bagyo

The post LPA sa Cagayan tropical depression na, pinangalanang ‘Goring’ first appeared on Abante TNT.


Source: Abante TNT