Gumagana na ang mga ipinatutupad na hakbang at istratehiya ng gobyerno para matugunan ang problema sa inflation.
Ito ang inihayag ni Department of Budget and Management (DBM) Secretary Amenah Pangandaman matapos maitala ang 4.7% na pagbagal ng inflation ngayong Hulyo.
Ayon kay Pangandaman, nakikita na ang resulta ng economic tactics ng Marcos Administration upang mapababa at mapabagal ang inflation na nakaapekto sa ekonomiya at mamamayan nitong nakalipas na mga buwan.
“The accomplishments we are witnessing attest to the fact that the economic tactics of President Marcos’ administration are rightly revised. Our whole-of- governmet approach is indeed demonstrating efficacy,” saad ni Pangandaman.
Umaasa ang kalihim na magtuloy-tuloy na ang pagbagal ng inflation upang mapagaan ang buhay at pasanin ng mga Pilipino.
Sinabi ni Pangandaman na magsisilbing inspirasyon sa kanila at sa economic managers ng administrasyon ang patuloy na pagbagal ng inflation at nangakong gagawin ang lahat upang makabawi at makabangon ang bansa .
“We assure our fellow citizens, that we remain unwavering in executing strategies to maintain the inflation rate well within our target range,” dagdag ni Pangandaman.
Matatandaang binuo ni Pangulong Marcos Jr. noong May 26, 2023 ang Inter-Agency Committee on Inflation and Market Outlook (IAC-IMO) sa pamamagitan ng isang Executive Order upang paigtingin ang koordinasyon at aksyon ng mga ahensya ng gobyerno upang matugunan ang epekto ng mataas na presyo ng mga bilihin sa mamamayan. (Aileen Taliping)
See Related Story Here:
Inflation nitong Hulyo bumagal ng 4.7%
The post Mga hakbang ng gobyerno para malabanan ang inflation gumagana na – DBM first appeared on Abante TNT.
Source: Abante TNT
0 Mga Komento