Naghatid ng good vibes sa netizens ang mga sagot ng isang bata sa isang event.

Ang mga sagutan kasi ng bata ay kakaiba at talaga namang nakakatuwa.

Sa tanong na kung anong hayop ang makikita sa karagatan, ang naging sagot nito ay “fishball”. Makikita naman sa video na natawa na lang ang host sa sagot ng bata.

Sa sumunod naman ay naging sagot nito ay shark ngunit nasabi na ito ng isa pang bata kaya naman ang naging sagot na lang nito ay “baby shark”.

Hindi pa rito natapos ang mga nakakatawang sagot ng bata dahil sa katanungan na anong hayop ang may apat na paa, ang naging sagot nito ay “two chicken”.

Tuwang-tuwa naman ang netizens sa mga sagot ng bata:

“HAHAHAHAHAHAHA”

“Tama naman siya sa lahat HAHA”

“The way he jumps after each answer”


(CS)

The post Mga kakaibang hirit ng isang paslit, patok sa netizens first appeared on Abante TNT.


Source: Abante TNT