Naghatid ng good vibes sa mga netizen ang video ng proposal ng isang lalaki para sa kaniyang partner. Noong una ay nagdadasal pa ang babae at matagal na nakaluhod at nag-aantay ang lalaki.

Matapos ang paghihintay ng lalaki, hindi naman napansin ng babae na nasa likod na pala niya ang kaniyang partner at dinaanan lang ito.

Nang mapansin na niya na nakaluhod ang lalaki, hindi pa ito nakasagot kaagad at nanatili lang itong nakatayo.

Ngunit matapos lang ang ilang segundo ay lumapit na rin ito sa lalaki at ibinigay ang kaniyang matamis na oo. Nalito pa ang lalaki kung saan ilalagay ang singsing.

@cvzelle Congratulations @Czarina Grona @lesterjopiiiii ♬ original sound – Zelle


Narito ang komento ng mga netizen sa nasabing video:

“yung scroll na scroll na ko pero inaantay ko lumingon si ate. Hahahaha”

“ako Ang nangawit Kay sir”

“akala ko nga di na lilingon,more happiness congrats”

(CS)

The post Muntik pang hindi makita! Proposal ng isang kelot, kinagiliwan ng netizens first appeared on Abante TNT.


Source: Abante TNT